Nov. 12th, 2009

Maligayang kaarawan, Mirinda! ^_^ ♥

*iniabot kay Mirinda kaninang uwian*



Ang mga nilalaman... )

May. 24th, 2009

Napaka-galing talaga! ^o^ ♥




^_^ ♥

May. 21st, 2009

American Idol ♥

Ang saya ko sa resulta ng American Idol!! ^o^ ♥

Dati'y walang nakakikilala kay Kris Allen at walang nag-akalang malayo ang mararating niya sa kompetisyon, pero ito na nga at nanalo siya! Nakadidismaya nga lang ang kantang sinulat ni Kara Dioguardi para sa nagwagi. Mas nagustuhan ko ang winner's single noong nakaraang taon. Pero siguro ang paborito ko pa rin ay ang "I Believe" ni Fantasia.

Basta, ang saya ko talaga ngayong araw na ito!! ^o^ Kahit na sunud-sunod natanggal ang mga paborito ko mula sa Idol, gustung-gusto ko pa rin naman ang nanalo. ^_^ Sana maging matagumpay ang kanyang pagiging ganap na mang-aawit. Bagay na bagay naman ang boses niya sa radyo! ^o^ ♥

Paniguradong manonood ulit ako ng finale mamaya. ^_^;;; ♥

May. 10th, 2009

Pagkanta~ ♥

Nabalitaan ko na nagkaroon ng parang isang videoke party ang mga taga-ikatlong taon. Nakakainggit naman. Alam kong palagi na tayong nagvivideoke, pero... gusto ko pa sana magkaroon ng isa pang pagkakataon na mag-videoke! ^o^ ♥

Isang lumang video ko na kumakanta ng "Never Gonna Let You Go" ni Faith Evans. Nasaan na nga ba si Faith Evans? Bakit wala na akong naririnig sa kanya? Haayy...



^_^ ♥
Tags:

Apr. 15th, 2009

♥♥♥

Gusto ko pa rin talaga si Anoop Desai sa American Idol. Kahit na may ilang pangit na pagkanta na siya, siya pa rin ang pinaka pinapaboran ko sa lahat ng mga natitirang kalahok.

Noong isang araw ko pa tuluy-tuloy na pinanonood ang mga video ni Anoop at ng UNC ClefHangers sa YouTube. Ito pa rin ang paborito ko sa lahat ng mga kinanta nila:



Sana talaga magkaroon siya ng pagkakataon na awitin ang kantang iyan sa American Idol. Kung maaari lang talaga akong bumoto, siguro isa na ako sa mga walang tigil na nagtetext at tumatawag para lamang mapanatili si Anoop sa labanan.

Tuwinang nanood ako ng panibagong season ng American Idol, napaiisip talaga ako: gaanong kalayo kaya ang mararating ko kung isa ako sa mga kalahok? Sa kasalukuyang season, siguro matatanggal ako kaagad. Ang gagaling nila. Hanga din ako kay Allison. Ka-edad ko lang siya pero sobrang husay niya talagang kumanta.

Iyon lang naman. Wala lang talaga akong magawa sa mga oras na ito. ^_^ ♥

Apr. 4th, 2009

Ako nga pala si Pepsi.



Kinagagalak ko kayong makilala. ^_^ ♥